Monday 30 August 2010

Tabo

Siguro nagtataka kayo bakit "tabo" ang pamagat ng post na ito. Well, nong bagong dating ako dito sa bansang Inglatera ang una kong problema ay nong pumunta ako sa banyo. Di kasi katulad sa Thailand na lahat ng banyo merong pusitsit dito toilet paper lang talaga. Eh syempre Pinoy, di talaga pwedeng di maghugas ng pwet ano?

Mas lumala ang problema nong dumating ang bisita ko. Hay naku, kamot talaga ako ng ulo. So ang ginawa ko nagtanong ako sa asawa ko, boyfriend ko pa sya noon, kung meron syang empty water bottle. Tinanong nya ako kung para saan daw. Eh dahil galing na sya sa Thailand at nakita nya ang pusitsit so sinabi ko ang kalagayan ko at naintindihan naman nya kaya binigyan nya ako ng malinis na bote.

O ayan, kahit ngayon sa trabaho nagdadala ako ng botelyang walang laman para pang hinaw pag ako'y pumupunta don sa palikuran. Ahahah!!!

1 comment:

Thank you for visiting. Don't forget to leave your webprints so I can trace you back and leave a nice comment as well.